Himagsikan Ng Mga Pilipino Laban sa Kastila
ni Artemio Ricarte
Ika-Anim na Bahagi
d. — Dapat ding sambitin dito, na bago dumating sa Biyak-na Bato ang mga Heneral na Kastilang Tejeiro at Monet, bilang sangla, si Heneral Tomas Mascardo kasama ang maraming mga kamag-anak ni G. Emilio Aguinaldo, isa sa kanila'y ang balo ni G. Candido Tirona (unang Ministro de guerra ng Magdalo), ay nagsirating upang makipagpaalam kay G. Aguinaldo, at maipagsama na tuloy ang mga anak nito sa lalawigan ng Kabite.
e — Pagsalangsang ni G. Feliciano Jocson. sa kapayapaan. Ang kanyang paghihimagsik, pagkahuli at pagkawala — Nang araw na dumating si Heneral G. Mascardo sa Biyak-na -Bato, ay dumating din doon si G. Feliciano Jocson at nagpakilala nang lubos ang hindi niya pagsang-ayon sa kasunduan, hindi sa pagtanggi sa kapayapaan, kungdi sa walang dalisay na pakikisama sa kanya ni G. Aguinaldo, tungkol sa pakikipagtalastasang ginanap, maging sa paglalagda ng mga patakaran at maging sa pagtanggap na rin ng kapayapaan. Dahil sa mahigpit niyang pagsalangsang, ay hindi tuloy siya napangahasang anyayahan ni G. Aguinaldo sa paglalakbay sa Hongkong. Sa ganito'y bahagya pang nakakaalis si G. Aguinaldo na patungong Hongkong, nang Si Jocson, pagkauwi sa kanyang himpilan sa Pugad-baboy, sakop ng Kalookan, Maynila, ay nagpasimulang mangyakag ng mga tao upang ipagpatuloy ang Pangbihimagsik na kanya na ring pinangunguluhan, at sapagkat ginamit niya ang pangalan ni G.Andres Bonifacio, ay marami siyang naakit na mga Katipuneros at hindi man katipuneros. At sapagkat hinuwad ni Jocson ang mga kasulatang may-lagda ni G. Emilio Aguinaldo at may tatak ng Pang-ulo, ay nakuha niyang mapigil ang pagharap ng maraming mga pinunong naghihimagsik, lalung-lalo na ang mga nasa sa paligid ng Maynila, kabilang na rito'y ang Koronel Modesto Ritual na inihalal na Heneral ni G. Jocson at ang Tenyente Koronel G. Nicomedes Carreon, kapatid na bata ni G. Francisco Carreon. Ang dalawang ito ay napatay kapwa sa Matikiw, sakop ng Pangil, Laguna de Bay, sa utos ng Kalihim ng Heneral, ng mga nagngangalang Enrique at Leon.
Nang nagsisimula ang Marso, 1898, ay talaga sanang biglang lulusubin ni Jocson ang siyudad na rin ng Maynila, kung di nasubukan ang pinagtataguan ng mga tao ni Jocson na sadyang tinipon niya sa daang Camba, Binundok (Maynila). Ang natitipong mga taong yao'y pinasabog ng mga kawal-kastila sa pamamag-itan ng di gagaanong paputok. Kakaunti ang nangabihag nila dahil sa ang mga hindi nabiglang namatay, ay tinapus sa malalakas na kulata at mga sipa. Ang pamamaraang itong napakalupit na ginawi ng mga kastila sa daang Camba, ay siya rin nilang inasal sa bayan ng Kandong, llokos Sur, at sa San Nikolas, Sebu, dahil sa ang mga tagaroon man ay nagsipag-alsa rin nang nagsisimula ang taong 1898, pawang nanga-akit sa masiglang pagpapalaganap ni Jocson. Ito'y ipinagsakdal ng mga kaanib ni Aguinaldo sa pamahalaang kastila, sa pagka-makaprayle, o binayaran ng mga prayle, sapagkat ang ginagawa ni Jocson, ay tungong tunay sa ikasisira ng kasunduan sa Biyak-na-Bato.
Dalil sa pagkabigo ni Jocson sa kanyang pagtatangka sa siyudad ng Maynila, ay sumakay, na may ilang kasama, sa bapor Laguna, lumunsad sa bayang Laguna de Bay at doo'y dinakip sila ng mga tao ng pinunong katipunang G. Venancio Cueto, na nang nakaraang araw ay nakatanggap sa Heneral Pio del Pilar ng utos na nagtatagubiling dakpin si Jocson at mga kasama, pagkat ito'y inupahan ng mga prayle, upang ipagpatuloy ang Panghihimagsik, at saka iniulat pa ang mga tanda sa mukha ni Jocson, upang makilala kaagad. Si G. Jocson at kanyang kasama ay ikinulong ni Cueto na parang mga dakip sa kanyang bahay, ngunit matapus ang pakikipagpanayam ni Jocson kay G. Apolinario Mabini, ang Marangal na Lumpo, na nagkataon din namang nagtatago sa bahay ni Cueto, ang magkakasama'y (Jocson) binigyan na nito ng mabuting pagtingin hanggang sa sila'y naging para nang panauhing malaya sa loob ng kanyang bahay.
Pagkaalam na pagkaalam ni G. Pio del Pilar sa pagkahuli kay Jocson, ay nagtungo sa Laguna de Bay na kasama ang kanyang magandang kasintahang nagngangalang Mónica, at, sa ilalim ng pangangakong ginanap sa harap ni G Paciano Rizal, na hindi niya (ni del Pilar) ibibigay si Jocson sa pamahalaang kastila, at ni hindi niya tutulutang mapalagay na masama, maging sa salita at maging sa gawa sa piling ng sinoman, ay ibinigay sa kanya ni Cueto ang magkakasamang Jocson. Ang mga ito nama'y sumunod na walang agam-agam kay Heneral G. Pio del Pilar, na siyang tanging dapat managot sa halos himalang pagkawala niyaon masidhing makabayang nagtatag ng pamahalaang departamental sa pitong lalawigan ng Luson, naging tagapatungot o kagawad na pangloob nito, na si G. Feliciano Jocson, na siya ang may gawa (pag. 73 titik c) ng bandilang tatlong kulay, isang araw at tatlong bituwin, na dito'y, namamasid.
f — Nang ika-22 ng Disyembre noong 1897, ay nagsirating sa Biyak-na-Bato sina GG. Pedro A. Paterno, ang kapatid nitong G. Maximino, ilang pat6grapo, isa rito'y nagngangalang Arias, kastila, may-ari at tagapangasiwa ng Agencia Editorial sa daang Carriedo, Santa Cruz, Maynila, at ang dalawang pinaka-sanglang Generales: Tejeiro at Monet, Heneral sa Eatado Mayor ang una, at Heneral ng Brigada ang ikalawa, at Komandante sa gitna ng Luson. Ang dalawang pinunong ito, matapus malagak sa loob ng isang kagawaran ng Panguluhang Hukbo, ay binabantayang mabuti na walang maaaring kausapin kungdi tanging ang Pang-ulo ng Republika, mga kagawad ug Gabinete 6 Sangguniang Kagawaran at mga Heneral ng Panghihimagsik.
g. — Nang ika-2 ng hapon nung ika-24 ng Disyembre, ang Pang-ulong Emilio Aguinaldo, niyaong naghihingalo nang Republika Pilipina, sakay ng magara niyang alasan at sa tanaw ng mga Heneral. G. Tejeiro at G. Monet, mula sa kinaroroonan ng dalawang ito, at ang malaking katipunan ng madlang tauhan ng Panghihimagsik, kasama aug kani-kanyang pamilya, sa gitna ng liwasan (plaza) at ng sigawang "Viva España!", saka sinusundan ng isang malaking pulutong ug mga pinuno, — ay nagpasimula ng paglakad. patungo sa masaganang bayan ug San Miguel de Mayumo (Bulakan) at saka nagtungong Baliwag at dito natulog aug madlang magkakasama; kinabukasan ay nagtungo ang lahat sa himpilan ng tren ng Malulos at Barasoain, at matapus pumisan dito si G. Pedro A. Paterno, sugo ng kasunduan, at marami pang pinuno ng, panghihimagsik sa malaking pangkat na galing sa Biyak-na-Bato, ay lumulan sa tren na patungong Dagupan (Pangasinan) na pinag-aantayan na noon ng isang sasakyang-dagat, upang sila'y ihatid sa Hongkong. Ang langkay ng mga naghihimagsik na pinangunguluhan ni G. Aguinaldo at hatid ni G. Paterno, at ng Koronel G. Miguel Primo de Rivera, ay binubuo ng maraming pinuno ng Panghihimagsik, kasama rito ang niga sumusunod:
G. Vito Belarmino, Heneral ng dibisiyon at pangsamantalang direktor de guerra.
G. Antonio Montenegro, direktor de Estado
G. Mariano Llanera, Tenyente Heneral.
G. Tomas Mascardo, Heneral ng Brigada.
G. Salvador Estrella, Heneral ng Brigada.
G. Lazaro Makapagal at Lakandula, Koronel.
G. Agapito Bonzon, Koronel.
G. Wenceslao Viniegra, Koronel.
G. Benito Natividad, (taga-Nueba Esiha), Koronel.
G. Gregorio del Pilar, Koronel
G. Silvestre Legazpi, Tesorero Heneral.
G. Jose Ignacio Pawa, Tenyente Koronel.
G. Vicente Lukban Koronel Ingeniero.
G. Anastacio Francisco, direktor ng Sanidad.
G. Celestino Aragon, Opisyal ng sanidad.
G. Agustin de la Rssa, idem.
G. Primitivo Artacho, idem.
Dr. Viola, (taga-San Miguel de Mayumo) at saka isa pang nagngangalang Leon Novenario, taga Pateros, na naging ayudante ni "Vibora".40. — Kilusang panghihimagsik sa ilang lalawigan ng Kapuluan.—Samantalang nasa paglalayag na patungong Hongkong ang unang nagsipaglakbay na mga naghihimagsik na pilipino, ay minabuti kong pigilin ang pagtatala at umurong uli, upang mabanggit ang ilang mga bagay-bagay na nangyari sa ibang lalawigan mula pa nang mga unang araw ng pagkabigo ng panghihimagsik, na matatawag nating "Pagkilus ng Katipunan", pagkat ang watawat ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan ang tanging nawagayway at sinagisag at siya rin ang naghatid sa libingan sa bangkay ng Republika Pilipina, na sumilang sa gitna ng di-kawasang mga kaligaligan sa bahay-asyenda sa Teheros, San Francisco de Malabon, Kabite.
a. — Pangkat na manghihimagsik sa pook na tinatawag na Kakaron na nasa mga pag-itan ng Bigaa, San Rafael, Anggat, Bukawe at Bustos ng lalawigang Bulakan. Kapagkarakang umalingawngaw ang napakatinding tinig ng Panghihimagsik sa kalawakan ng Pilipinas, na nilikha ng di mangalanang pamamaslang ng mga kastila at mga pilipinong maka-kastilaan, na sa balanang taong-baya'y ginagawa, nang walang itinatanging matanda ni bata, lalaki ni babae, lalung-lalo na ng mga nagsipag-aral at nakaririwasa, na may kabansagan sa kanilang mga kababayan, at gayon ding yaong tmga walang kadahi-dahilang fanghuhuli, pngpapatapon at madalas na pagpapabaril nang walang litis-litis, tungkol sa hini-hinalang mga pagkakasala, — ang isang gurong nagngangalang Eusebio, kilala sa tawag o sagisag na "Di-Mabunggo", taga bayan ng Bustos; si G. Felipe Estrella, sa Kingwa; G. Isidoro Torres, sa Malulos; G. Melecio Carlos, sa San Miguel de Mayumo; G. Simon Tecson at Bustamante; Dr. Viola at kapatid, sa San Miguel din; at marami pang litaw na taga iba't ibang bayan ng Bulakan, matapus iwan ang kani-kanilang tahanan at ari-arian sa loob ng kabayanan, ay sama-samang nagsipangubli sa liblib ng mga kagubatan, upang mailag sa sakuna, Si "Di-Mabunggo" at si G. Felipe Estrella at iba pa, ay nagsihantong sa tinatawag na pook ng Kakaron, at si G. Isidoro Torres naman at iba pa sa Masukol at Binakod, na nasa pag-itan ng mga bayang Santa Isabel at Bulakan, kabesera ng lalawigan.
b — Ang pook ng Kakaron ay tinayuan ng mga tanggulan nina "Di-Mabunggo" at Estrella, at may sampung libo ang taong tinipon nila roon; bagamat labing-pito lamang sa mga ito ang nasasandatahan ng mga eskopetang may iba't ibang sukat, kasama na ang mga lantakang ginagawa din doon na mga tubong bakal na kinalupkupan ng kahoy at binilibiran ng kawad ng telegrapo; subalit sa pamamag-itan ng tanggulan at mga sandatang ito lamang, ang naturang pook ay naging matibay na di mapasok ng halos walang puknat na paglusob ng mga kastila, na tuwi na'y napipipilan at nagiiwan ng mga bakas na lubhang mahalaga sa rnga nagtatanggol. Nakuha ngang nanatili ang himpilang Kakaron mula ilang buwan ng Agosto, 1896, hanggang noong Abril ng 1897, na ikinahulog niya sa kamay ng mga kastila, na katiyap ng maraming mga pilipinong kusang-loob na pinangunguluhan ng isang nagngangalang Kapitan Jose Santa Maria, na ilang araw pa bago isagawa ang pagsalakay, ay nakapagpa-labas-masok nang malimilt ng ilang kataong nakihalubilo sa mga naghihimagslik, mga taong kanyang pinagbilinang pagkarinig nila ng mga unang putok sa mga pangunahing tanggulan ng pook ng mga naghihimagsik nang naturang araw na pagsalakay, ay susuhan nila ng apoy ang mga bahay na hinihimpilan ng madla sa loob ng Kakaron. Ang lihim na ito'y natukilasan ng mga naghihimagsik, pagkat natutop ang mga naturang tiktik na sa ilalim ng pangangako sa kanilang ipatatawad ang kanilang mga buhay, ay nagsipagsabi ng tapat ukol sa naturang kalihiman. Dahil sa kaparaanang ito at dahil pa rin sa noo'y kalahati lamang ng mga kawal ang nagtatanggol sa Kakaron, pagkat ang kalahati'y lumabas at nilusob ang San Rafael, ay nahulog nga ang himpilang Kakaron sa kamay ng kaaway, na sa malaking poot ay tumulad sa hayop na mabangis sa pagpatay sa lahat ng natagpuang tao sa loob, at may sugat at walang sugat, lahat, lahat ay pinag-uutas. Sa pagkakuhang ito ng Kakaron, ay namatay ang humigit-kumulang sa tatlung libong tao, babai't lalaki, matanda't bata. Iang araw, pagkatapus ng kakila-kilabot na pagkasawing ito sa Kakaron, ang paug-unang pinunong si "G. Di-Mabunggo" o si maestro Eusebio, ay nahulog din sa kamay ng mga kastila sa nayon ng Sili (Anggat) at siya'y dinala sa kabesera ng lalawigan na siyang pinagbarilan sa kanya. Dahil sa kakila-kilabot ngunit karangal-dangalang pagkamatay ng gurong Eusebio, ay nakapag-iwan siya ng mga huli at mabubuting katibayan ng kanyang pagka-magiting makabayang lagi nang magugunita ng kanyang mga kababayan sa Bustos, kailanmat sila'y makakikita ng isang pirasong papel, pagkat siya'y namudmod ng mga pira-piraso at binilog na papel na kinasusulatan sa gitna ng isang kurus at sa paligid nito'y mga salitang latin, mga papelitong kawangis ng mga ostiyang ginagamit ng mga paring katoliko sa simbahan, at may iba't ibang laki: — may gapisong kastila, may kasing-laki ng piseta at ng tig-lalabinganim na kuwalta. Itinanim ni "Di-Mabunggo" sa budhi ng kanyang mga tao na ang sinomang kumain ng naturang papelito at sumagasa sa harap ng kaaway sa kasalukuyang paglalaban, ay hindi mapapahamak ni hindi magdaramdam ng gutom. Halos ang lahat ng kanyang mga tao, ay nagsisihingi sa kanya ng naturang papelito at kanilang isinusubo sa harap niya, samantalang siya nama'y may ibinubulong na mga salitang di maunawaan. Sa paraang ito, at sapagkat ipinahayag din naman ni "Di Mabunggo" sa kanyang mga tao na sinomang maabutan ng kanyang tanaw sa mga sandali (momento) ng paglalaban at kanyang mahagisan ng mapaghimala niyang basbas, ay magiging ligtas sa anomang sakuna at sa anomang kahirapan sa buhay, ay natamo niyang mapapanalig ang kanyang mga tao; kayat ang mga ito, sa paniniwalang hindi sila maaano sa pakikilaban, ay nakipagbakang singbangis ng león sa paligid-ligid ng di malilimutang Kakaron, pook na hanggang sa sandaling ito'y kinakikitaan pa ng mga kalansay ng taong hindi na naibaon.
c —Pagkatuklas ng Biyak-naBato ni G. Isidoro Torres. — Ang mga taong nakatakas sa kakila-kilabot na patayan sa Kakaron, matapus makipanig sa mga kawal na, gaya ng nasabi na'y nagsisalakay sa San Rafael na ikinamatay tuloy ng pinunong Felipe Estrella, na pinapangalawahan ng isang nagngangalang Tato, isa sa mga mayayaman sa Kingwa,ay naki-pangkat na lahat sa kay G. Isidoro Torres sa himpilang Masukol at Binakod. Si G. Torres ay inihalal nila noon na Kapitan Heneral ng Hukbo sa naturang himpilan. Dahil sa pagdami nang mga tao ni G. Torres, at sa pangingilag na baka mangyari naman ding gaya sa Kakaron, pagkat ang Masukol ay gaya rin ng nauna (Kakaron) na naliligid ng mga bayan-bayan at mga kaparangang linis na linis, ay minarapat ni Heneral Torres na iwan na yaon kasama ng lahat niyang mga tao, at nang makarating sila sa may baybayin ng dagat Pasipiko, ay humantong sa isang bundok, na hangga ngayo'y kilala pa sa tawag na Biyak-na-Bato, pamagat na ipinagiging-dahil, kaipala, ng pangyayaring sa naturang pook, ay may isang yungib na pinamamahayan ng malaking langkay ng mga kabagkabag na, sa tuwing ika-5 ng hapon sa araw-araw, ay umaalis sa paghanap ng makakain at di tumitigil kungdi sa mga ika-8 na ng gabi, na walang puknat na paghahakot ng mga butil ng palay at halos magdalawang dipa ang kalapad ng kanilang hanay sa paglabas na mahahayag dahil sa ugong. Si G. Torres ay nilusob din sa pook na ito ng mga kastila, ngunit sa tulong na makabuluhan nina GG. Melecio Carlos, Simón Tecson Bustamante, Cabling at iba pa, ay napipilan nila ang mga kaaway, at kanilang naitaboy hanggang sa may dakong San Miguel de Mayumo, pagkatapus makapagiwan ng maraming patay sa ilog Biyak-na-Bato, na pawang doon na lamang nangabulok.
d. — Ang batang-batang H. del Pilar at ang pagtambang na naganap sa nayon ng Atlag, Malulos.
— Si G. Gregorio H. del Pilar, binatang may 18 taon lamang, sibol sa Bulakan, kabesera ng lalawigan ding ito, batsilyer sa Artes sa Unibersidad ng Santo Tomas (Maynila I. F.), matapus iwan ang kanyang pag-aaral na pinasimulan noon 1890, ay napasa kaparangan ng dangal na uhaw sa dugo, upang tumulong, taglay ang kanyang mga kaalaman at katapangan sa mapangnib ngunit maningning at marangal na gawaing paglagot ng tanikala ng kaalipinang gumagapus sa lahi at bayan nina Lakandula, Raha Soliman, Burgos, Gomez at Zamora at, nang siya'y makapangubli sa pook na tinatawag na Late, sakop ng Malulos, ay nagpasimula na siyang maisagawa ang kanyang mga balak at tangkang mapupusok. Babahagya pa siyang nakapagtitipon ng ilan-ilang kataong may mga buong loob, ay nakapangahas nang manambang sa nayon ng Atlag sa isang pangkat na mga kasadores na kastila na noo'y kasalukuyang nangagsitungo sa kabayanan ng Malulos, kasama ang kura sa bayan ding yaon. Halos di pa napapaloob na mabuti ang mga kastila sa hanay ng mga taong nakatago at naghihintay sa kanila, ay bigla na silang sinugod at pinagtatabas ng taga, na sa pagkagulat at pagkagulumihanan, ay di man lamang nakuhang makapagpaputok, bagkus nagpulasan ng takbong sabug-sabog, matapus iwan ang pitong kasama, mga baril at punlong maraming marami at pati ang kura'y nabihag na buhay ng mga naghihimagsik.e — Magandang patibong na ginawa sa Paumbong ni Gregorio H. del Pilar. — Udyok ng kasiglahang naghahari kay G. H. del Pilar, dahil sa tagumpay na natamo sa una pa lamang pakikipanagpo sa Atlag, ay nakuha niyang natutop muli ang buong pangkat na kastilang natatanod sa bayan ng Paumbong. Ito naman ay utang sa magandang kaparaanang ginawa niya, matapus makalapit na unti-unti sa mga kaaway at mapapagtago ito sa Kombento ng kabayanan. Isang umaga ng araw ng lingo, magkakalahati na ang taong 1897, ang mga kasadores na batbat ng sandata, ay dumalo sa misa mayor at nagsilagay, na hanay apat-apat, sa gitna ng simbahan. Pagtugtog ng kampanilya upang ibabala ang "Sanctus, Sanctus, Sanctus" na ipinanikluhod ng buong kataimtiman ng madla, lalunglalo na ng mga naturang kawal na kastila, ang mga ito'y biglang hinandulong at pinagtalukupan ng mga taong sandatahan ni Gregorio H. del Pilar na di nangainong nasa loob din ng simbahan noon, dahil sa nangakasuot babae at may mga kalung-kalong na mga batang pasusuhin, na yari lamang sa pinagpira-pirasong katawan o puno ng sasa, at salamat dito't naikanlong sa mata ng kaaway ang dalang mga gulok at sundang na pamatay. Samantalang ito'y nangyayari, ang mga tao namang nanga sa labas ng simbahan at sa may hagdanan ng kombento na nagkatipong sadya roon sa pamamag-itan ng dahilang hinihintay nila ang kura, upang sila'y magpamisa na patungkol sa kanilang mga kamag-anak, ay sila naman ang lumusob sa mga guwardiyang bantay sa may pinto ng simbahan at sa iba pang gawi ng kombento. Ang lahat ng mga kawal na nataungkulang gumanap ng kaparaanang ito, na ang naging bunga'y ikinabansag na gayon na lamang ni Gregorio H. del Pilar, ay buong dahas at katapatang-loob na tumupad ng kani-kanilang tungkulin, na lubhang ikinasiyang-loob ng nasabing pinuno at ng lahat ng nangulong kauna-unahang nagpasimulang humandulong sa mga kaaway. Sa mga pinunong ito, ay kasama ang mga sumusunod:
Julian H. del Pilar, Tenyente Koronel; Juan Pugo, Komandante; Inocencio Tolentino, Kapitan; Kapitan Tenyong, na tinatawag na "Tenyong Kastila", taga Santa Isabel, at Juan Fernando, taga Giginto at "Juez instructor" sa hukbo ni Gregorio H. del Pilar, na mula noo'y, napabilang sa Hukbong Naghihimagsik sa tungkuling "Koronel".
Sa mga armas na nasamsam sa pagwawaging ito, ay pinagpapalitan ang yaong mga sandatang palapa ng sasang hugis-baril na sadyang ipinagamit ni G. H. del Pilar sa kanyang mga tao, upang maipakita lamang sa kaaway na siya'y maraming armas na dala.
f. — Kagitla-gitlang pagpapatayan sa San Rafael. — Ito ay nararapat itala kapagkarakang matapus ang labanan sa Kakaron, pagkat nangyari nang araw ding yaon; ngunit dahil sa pagkakaligtang hindi sinasadya'y hindi man lamang nasambit, at sapagkat naging isa sa mga lalong mahalagang bagay sa panghihimigsik. ay napag-akala kong karapat-dapat ilahad ngayon dito. Marahil magugunita pa ng bumabasa na nang umagang-umaga noong araw ng pagkasalakay sa Kakaron, ang kalahati ng pangkat ng mnga kawal nito, ay umalis at sumalakay naman sa San Rafael, na ang mga kawal kastilang tanod dito'y kakaunti — ay napipilang buo sa likod ng apat na oras na paglalaban sa mga naghihimagsik na lumusob. Sa malaking galak ng mga nagtagumpay, ay nalibang sa pagbabalita sa kanilang mga kaibigan tungkol sa buhay-buhay nila sa pook na kinahihimpilan, samantala namang sina G. Felipe Estrella, ang pangalawa niyang si Tato, taga Kingwa. at iba pang mga pinuno, ay nagsisihingi ng abuloy na bigas at iba pang pagkain sa mayayaman sa bayan, upang madala nila sa Kakaron. Nasa ganito silang kalagayan nang dumating ang isang taong nanggaling sa kalapit ng Kakaron at nagbigay-alam kay G. Estrella na ang himpilang yaon ay kasalukuyang nilulusob ng maraming kastila, kung kaya noon din, si Estrella at kanyang mga tao, pati ng marami pang taga-San Rafael, dala ang mga armas na kanilang naagaw sa nasabing bayan, ay nagsilakad nang buong pagmamadali, upang abuluyan ang mga naiwang kasama; ngunit hindi pa halos sila nakalalabas sa kabayanang nililisan, ay natanaw na sa malapit ang makapal na kaaway na kumukubkob sa kanilang paligid, at sa gayo'y wala nang nagawa kungdi biglaang magsiurong ang mga ibang kawal at taglay ang kanilang mga armas na nagsipasok sa ilang malalapit na tindahan at nakihalubilo sa mga may-ari nito; ang mga iba'y nagsitakbo na walang malamang sulingan, at ang mga iba pa'y nagsipagkulong na kasama ng makapal na taong-bayan sa simbahan at kombento. Ang mga da-dalawang oras pa lamang nagtagumpay, ay siyang ganap na nangapipilan noon sa biglang dating ng kaaway, at maging ang mga nagsipangubli sa bahay-bahay, maging ang nagsipasok sa simbahan at kombento, na halos binaha ng dugo, ay pawang nangapuksa, sampu ng mga may-bahay, may kasalanan at walang kasalanan. Tinitiyak ng marami na sa patayang ito ay mahigit sa dalawang libo katao ang nangapuksa, kasama na rito ang dalawang pinunong Estrella at Tato.
g — Mga mahalagang pangyayari sa Giginto.(Bulakan) — Pagkaalam ni Fr. Leocadio Sanchez, agustino at naging kura sa bayan ng Norsagaray, Bulakan, sa pamamag-itan ng kanyang kalunyang nagngangalang Paula Bafia at ng Gobernadorsilyo Manuel Gatchalian, na sumipot ang mga katipunan sa Giginto, na noo'y kasalukuyang pinagkukurahan niya, ay nagsuplong agad-agad sa pinuno ng mga kasadores na natatanod sa bayan at ipinahuli niya aug mga sumusunod na ginoong tagaroon:- Espiridion Fernando, Jose Kapulong, Basilio Mojica, Mariano Angtanda at Francisco Palipat.Pagkatapus ng di kakaunting pahirap na ginawa sa lima kataong ito, ay pinagbabaril at ang kanilang mga bangkay ay patagong ipinabaon sa libingan ng bayan.
Ang inasal na ito sa lima katao ng walang anomang paglilitis, ay ikinabalisa ng mga taga-Giginto at ipinag-isip ng paghihiganti. Noon din ay kumilos ang magpinsang Paulino at Agapito Garcia, kapwa naninirahan sa nayong Tabang, Giginto, at pinatay ang dalawang kawal na kasadores na malimit nagsisilabas sa kanilang himpilan at nangloloob sa bahay-bahay, na matapus pagpapadapain ang lahat ng maratnang tao sa loob, ay hinihingi ang susi ng mga kaban at baul. Upang maitago ang katampalasanang ito sa mata ng mga kastila at maka-kastila sa bayan, ang mga bakas at bahid ng dugo ng dalawang pinatay, ay pinagsasabuyan ng alikabok ng mga babaing natitira sa kalapit na bahay, na pinangyarihan ng pagpatay na nasa may bungad lamang ng nayon, mula sa bungad na ito hanggang sa pook ng Pinyahan na pinaglibingan sa dalawa.
Pagkaalam, kinabukasan, ng mga pinunong kasadores at sarhento sa himpilan ng Giginto sa pagkawala ng dalawang kawal, kapagkaraka'y ipinag-utos sa mga kawal ang pagsisiyasat sa lahat ng bahay-bahay sa kabayanan, at sapagkat hindi makakita ng anomang bakas na sukat ikakilala sa naturang pagkamatay ng dalawang kasama, sa malaking pagkapoot ng punong kasadores sa lahat ng taong-bayan, ay nag-utos ng ibang paraan ng pagsisiyasat. Kinabukasan noon, at nang kasalukuyarg nagmimisa, na sanhi ng ipinagkatipon ng maraming tao sa simbahan, — sapagkat sa Pilipinas nang kasalukuyang nangyayari ang panghihimagsik, ay lalung napagkilala sa taong bayan ang banal na pag-ibig sa Diyos nang higit sa alin mang panahon ng kapayapaan — ang ginawa ng nasabing pinunong kastila, ay ipinag-utos sa kanyang mga kawal na bantayan ang mga pinto ng simbahan at huwag tulutang may isa mang lumabas na tao, man tapus ang misa, hangga't walang sinomang nagsasabi ng totoo sa pagkamatay ng dalawang kawal na hinahanap. Dahil sa pasyang ito ay isang matandang babaing nagngangalang Buro ang kusang humarap, sa pamamag-itan ng kurang Leocadio Sanchez, at nagsabing noong kamakalawa sa gabi, ay nakita niyang nagdaan sa nayon ng Tabang ang dalawang kasadores na patungong kabesera ng lalawigan. Nang masiyahang-loob ang pinuno sa pahayag na ito, at ng maypahinto ang pagpapabantay sa simbahan, ay lumakad na kasama nang lalung maraming kawal na kasadores at nagtungo sa labasan ng nayong Tabang; dito'y pinagdadakip at pinigil ang lahat ng taong masumpungan at makita sa daan, at dahil sa isa man sa mga taong ito'y walang makapagsabing tumpak sa itinatanong bagay sa dalawang kawal na nawawala, ay ipinag-utos sa rnga kawal na pagbabarilin noon din ang lahat, utos itong sinunod, kaya sa mga kulangpalad na pinaghuli ay wala isa mang nakaligtas sa biglang kamatayan. Ang dami ng mga bangkay na natimbuwal sa paraan ding yaon, ay may pitong kariton na pawang ipinadala sa kabesera ng lalawigan.
g. — Ang kura Leocadio Sanchez at anim pang prayle at isang doktor na kastila sa himpilan ng tren sa Giginto, — Nang kasalukuyang ang magkakasamang ito'y nagsisipaghintay sa pagdaraan ng tren patungong Maynila, ay dinaluhong sila't sukat nang isang pangkat na taong may mga gulok at sundang at inagawan ng mga riple at rebolber, at sinamsam tuloy pati ng mga armas sa himpilan ng tren. Ang pangkat na lumusob na, sa udyok ng pari Valentin Tanyag, sa Taguig (Maynila) kaya nagsitungo sa himpilan ukol sa gayong bagay, ay binubuo ng nga sumusunod:
Inocencio Tolentino, Kapitan; Paulino Garcia, Benito Garcia, kapatid ni Agapitong nabanggit na sa unahan, Angel Valencia, Kabisang Gracio, isang nagngangalang Albino, kapitan; Simon Landayan, Ape Alimango at ilan pa.
Ang lahat ng magkakasamang kastila ay napatay, matangi ang isang prayle, na bagamat nasugatan ng malubha, ay nakuha ring makalulan sa tren, na natatanaw na lamang na dumarating nang sandaling nagsisimula pa lamang ang patayan. Dapat banggitin na nang si Fr. Leocadio Sanchez, ay ulusin sa may dibdib, ng papatay sa kanya, ay agad nakaganti at ang sumaksak ay nabigyang bigla ng isang hataw ng riple na ikinabuwal na halos walang-malay, ngunit siya'y (si prayleng Sanchez) tumimbumwang din noon na wala nang hininga, at sa gayong paraan natapus ang prayleng yaong, nang nabubuhay pa ay gumawa ng maraming katampalasanan. Tangi sa naiyulat na sa unahan nito, ay napakarami pa ang mga kapanganyayaang nilikha niya na iniluha ng mga pinangyarihang mag-aanak sa Giginto, isa na rito ang angkan ng binatang Cesareo Galawgaw, batsilyer sa Artes, na dahil lamang sa di paghalik ng kamay sa kurang Leocadio, nang maratnan nito sa bahay ng isang magandang dalagang nagngangalang Jacoba, pagkat maging si Galawgaw at maging ang kura'y nangingibig sa dalagang iyon, ay naging sapat na, upang ipabilanggo ang binata, dahil sa dikono'y may pagka-pilibustero na siyang ipinalalagay na tanda ng Katipunan, at sa bilanggua'y tumanggap ng di gagaanong pahirap at pag-alipusta. Idagdag pa rito ang kapahamakan ng mag-amang, kapwa kabesa-de-baranggay, na sila GG. Domingo Jose at Veronico Jose, na nagsilabas sa kaparangan, pagkabalita ng walang patumanggang pagbaril na ginawa sa nayong Tabang. Pagkaalam ng kurang Sanchez sa pagkawala sa loob ng bayan ng mag-ama, ay nagtungo sa kanilang bahay, at matapus takutin ang anak na babae ni Domingo, na nagngangalang Bernardina, na siya lamang dinatnan, at nang di makapagsabi ng tunay na kinaroroonan ng kanyang ama't kapatid, ay sinugod ang murang-murang dalaga, at saka nilugsuhan ng puri na naanakan tuloy ng isa.
May nangyari pang iba't ibang pagkakapanagpo ng mga kastila't taung-bayan sa mga bayan-bayan ng Bulakan na halos pawang mahahalaga, dahil sa di pangkaraniwang tapang at kapusukang-loob na ipinamalas ng isa't isang dako, ngunit mga labanang itong dinaramdam kong di na mapagtatandaan, gaya halimbawa ng nangyari sa Minuyan (Norsagaray), nang di pa lumilipat sa Biyak-na-Bato si G. Emilio Aguinaldo; labanang ikinalitaw tuloy ng salot sa Minuvan, dahil sa mga bangkay ng taong nagkalat na nangaiwan na lamang, noong ang nasabing pook ay lusubin ng mga kastila, sapagkat nalamang kinahihimpilan ng mga naghihimagsik.
Ang mga taga-lalawigan ng Bulakan, gayon din ang mga taga-Nueba Esihang pinangunguluhan ng bantog na naging Gobernadorsilyo sa Kabyaw, na si G. Mariano Llanera, at ng anak nitong Eduardo, at ang mga taga-lalawigan ng Bataan, ay nagsipagtiis din ng malupit na kapootan ng mga kastila nang higit kaysa taga-ibang lalawigang kinalaganapan ng Panghihimagsik.
41. — Ang mga unang kilusan ng Himagsikan sa lalawigang Laguna de Bay.
a. — Ang bayan ng Bay. — Labing pitong katipunang taga-Bay ang una-unang nagpalaganap ng kilusang manghihirimagsik sa lalawigang Laguna de Bay, pagkat kararating pa lamang nilang buhat sa Pasig (Maynila) na pinag-aniban nila sa Katipunan, ay pinakalat na sa isa't isang bayan ang balitang sa Maynila at sa iba pang mga lalawigan, ay marami na ang mga "mason", mga tao itong kung ilarawan nila'y ibang-iba sa katotonanan at sinasabi sa mga taong di nakapag-aral, kayat paniwalain, na ang mga naturang "mason" ay higit pang mababangis kaysa mga leon at lobo, na alalaong bagay makapagbigay sana ng sindak na higit sa pagkapoot. Subalit ang lalong malakas na nakapagpalaganap sa alingawngaw na itong gawa-gawa lamang, ay ang mga sermon ng kurang prayle na sa tuwing magmimisa kung araw ng linggo, ay tumutukoy sa mga kaanib ng "Masoneria" na malimit niyang tawaging "mga demonyong nag-anyong-tao." Ang kakila-kilabot na bulung-bulungang ito, ay nagpasimulang kumalat noong Abril ng 1896, at nang magsimula ang Setyembre ng taon ding yaon, ang Kapitan munisipal na si G. Agustin na pinalalayawang Putol, ay siyang nakatuklas ng mga may kagagawan ng nasabing balitang tuwi na'y ikinagugulantang ng lahat ng mag-aanak, palibhasa ang naturang Agustin Putol, mula nang maulinigan ang bulung-bulungan, ay kumilos, sa atas ng kura, upang pangamuyan, at nang nagtatangka na ang naturang Putol na manghuli, ay natatago nang mabuti ang mga nagbinhi ng Panghihimagaik sa nayong Tarangka, sakop ng Laguna de Bay. Ang mga nahihimpil sa Tarangka, sa pagnanasang magkaroon ng mga armas, ay nagsisalakay sa kabayanan noong isang martes ng umaga ng naturang buwan ng Setyembre, sa ilalim ng pangungulo ng isang nagngangalang Mateo Andas, na nakasuot Heneral ng Komedya, at sa tinig niyang parang kulog kalakas, mula sa bungad ng kabayanan, ay sumisigaw na walang puknat ng "mason"! "mason"! "mason"! Ang mga kuwadrilyerong nagsipgsara sa bahay-pamahalaang-bayan sa tangkang makapananggol, pagkarinig sa salitang "mason" ay nagsipanginig, at nang si Mateo Andas ay dumating sa liwasan ng bayan na sumisigaw ng "mason", "mason" at sa kanyang maringal na kasuutan, sa halip na siya'y tuunan ng mga kuwadrilyero ng baril, ay inihagis ng mga ito sa kanya (kay Andas) ang mga eskopetang nangasa kanilang mga kamay pati mga punlo, pagkat ito ang siyang ipinag-utos sa kanila ni Andas, upang maligtas ang kanilang mga buhay. Matapus masamsam ang mga armas na ito ng bahay pamahalaan at ng sa ilan-ilang taung bayan, si Andas at mga kasama, ay nagtuloy nang umalis na walang tigil-tigil, upang magbalik sa pook na kinahihimpilan nang di man nakagunitang humingi ng kahit na ano sa mga namamayan.
b —Pagkabalita sa nangyaring ito ng Gobernador na kastila sa lalawigan, ay madaling nagtungo sa bayan ng Bay kasama g mga dalawampung artilyerong kastila, at pagdating ay ipinatawag ang mga litaw na tao sa bayan, na karamihan nama'y nagsidalong hindi man nagluwat. Samantalang nagsisirating sa kombento na tinigilan ng Gobernador ang mga naging Kapitan at Kabisa, mga Kabisang kasalukuyan, at iba pang mga tanyag na maginoo sa bayan, ay isa-isa silang nililitis ng nasabing pinunong kastila, at dahilan sa di nasisiyahan ito sa mga sagot sa kanya, ang mga nililitis ay ipinakukulong sa isang sadyang silid, at dito'y sinusunggaban sila ng dalawampung artilyero at iginagapus na abut-siko-siko sa pamamag-itan ng lubid na yantok. Kabilang sa mga dumalong ito sa kombento, na pagkaraka'y ipinadala sa tapunang Chafarinas (Aprika), — matangi si G. Agustin Putol, G. Alejandro Quidayan at G. Venancio Cueto, pagkat itong dalawang huli ay pinagtagubilinan ng Gobernador na silang mangalaga sa katahimikan sa buong kabayanan ng Bay, — ang mga sumusunod: — G. Andres Baria, G. Juan Hernandez, G. Domingo Hernandez, G. Pascual Estrada, Direktorsilyo; G. Miguel Estrada, G. Eugenio Carrillo, G Saturnino Causes, G. Pedro Primo, Donato G. T. A. Y., Kapitan ng mga kuwardilyero.
c — Sa bayan ng Pagsanghan at Santa Cruz. — Sina GG. Severino Tacino, taga Pagsanghan; Francisco Abad at Roldan at kapatid nitong Cayetano, Narciso Kabantog at Mariano Malapot, ay nagsipangubli sa pook ng Talongan, at matapus magtipon ng ilan-ilang katao, ay nagsipasok na sa kabayanan, at dito na inayus ang kanilang mga tao na pinagpangkat-pangkat at pinili ang mga dapat maging-opisyal. Pagkabuo ng hukbo, ay ipinamahayag ang pagka-pang-ulo ni G. Taeño at ang naging pangalawa niya'y si G. Francisco Abad at Roldan. Matapus ang paghihirang at nang mapagtalastas ang ganap na pagsangayon ng madla sa kanilang pang-unang pinuno, si G. Taeño ay nagbigay ng utos na lahat ng pangkat ay magdaan sa ilalim ng isang malaking watawat na sadyang inihanda ukol sa gayong bagay. Pag-uumaga, kinabukasan, na isang araw ng linggo ng buwan ng Oktubre, 1896, at matapus dumalo sa misa nang sinundang gabi na ginanap, sa kahilingan ni Taeño, ng paring pilipinong Koadhutor ng kurang prayle, ay lumakad ang nasabing pinunong Taeño, kasama ang buong hukbong nasasandatahan ng mga gulok at sibat na kawayan, nagtungong Santa Cruz, kabesera ng lalawigan, at pagdating sa bungad ng kabayanan ay sumigaw ng buong lakas ng ganito: "Abanse ang lahat!" Pagkarinig ng mga tanod na kastila sa bayan sa nasabing sigaw, ay pinasimulaan ang masinsing pagpapaputok: — kaya sa sandaling oras lamang, ay nakalatan ang mga lansangan ng mga bangkay ng mga patay at sugatang, mga kabig lahat ni Taeño. Palibhasa'y maraming totoo ang mga nangasawi sa mga malalakas ang loob na lumululong sa dakong kinalalagyan ng kaaway, ang bawa't isa'y napilitan nang humanap ng kanyang mapangungublihang dako, ngunit sa pagnanasang huwag nang iwan ang pagkubkob sa mga kastila, ay nanganlong ang kakapalang naghihimagsik sa harap ng libingan at handang lusubin o harangin ang kaaway, kung sakaling lumabas kahit sa pamamag-itan lamang ng kanilang mga sandatang walang putok, ngunit hasang-hasa at matatalas. Sa ganito'y ipinag-utos ni Taeño na sunugin ang bahay-bahay sa kabayanan, upang matanaw ang mga kastila buhat sa isang malayu-layong agwat. Nang marinig sa mga bayang kalapit ang walang tilang paputok ng mga kastila, ay naging isang parang tinig na pagibik, upang ang lahat ng mga pilipinong maibigin sa kalayaan ng kanyang bayan ay dumalo at sumakloklo sa labanan at itulong ang kaya at magagawa, maipagtagumpay lamang ang pakikilaban: — katunaya'y paglampas sa katanghaliang tapat ng araw na yaon, ay nagsirating at pumisan sa nakikipaglaban ang di kakaunting tao, ilan dito'y mga batikang tulisan na nagbabalita ng lampas o kaya'y sa hangad marahil na mapapag-init ang nanghihina nang kalooban ng mga tao, ay nagsabing mapapasok nila, sa pamamag-itan ng igpaw o kaya lundag lamang, ang kampanaryo ng simbahan kahit na sa gitna pa ng walang puknat na paputok, at ang mga iba nama'y naguutos sa madla na magsiluhod at humingi ng awa sa Makapangyarihan bago isagawa ang inaasam-asam na paglundag o pag-igpaw sa simbahan.
Ang mga paniwalaing di nakapag-aral, o kaya'y dahilan sa ang natutukoy ay ang paghingi ng tulong sa kalangitan, sa gitna ng gayong pagkagipit, ay nagsisunod nang pikitmata, at, nang nangakaluhod na, ay makapal sa kanila ang nangamatay, pagkat pagkakita ng mga kastila sa gayong anyong walang katinag-tinag, ay pinagpuputukan nang buong kalamigang-loob. Gayon man, ang mga sumasalakay, ay nag-isip pa rin ng lahat ng paraang magagawa, upang magahis ang kalabang may mabubuting sandata at katayuan; ngunit walang nangyari, kahit na ayaw na silang iwan sa pagkakakubkob. Dahilan dito, si G. Taeño ay nag-utos sa kanyang pangalawang si G Francisco Abal at Roldan, upang magpatayo ng mga tanggulan sa Sambal, pook na nagigitna sa mga bayang Pagsanghan, Magdalena at Santa Cruz, upang maabatan ang mga sasaklolong kawal-kastila na maaaring manggaling sa mga lalawigang Batangan at Kabite.
Bago pa lamang nasisimulaan ang paggawa, walang ano-ano, ang isang makapal na pangkat ng mga kawal-kastilang nagbuhat nga sa Batangan at pinanganguluhan ni Heneral Jaramillo, ay dumating at sumipot sa harap na rin ng ginagawang tanggulan, at ang pangunahing binubuo ng rehimyentong pilipino blg. 70 na patiwarik ang mnga baril. ay lumapit sa mga naghihimagsik at itinanong ang kanilang pinuno. Ito naman ay lumabas kapagkaraka, upang sumalubong sa pag-aakalang ang mga dumating na kawal ay takas na nagsitalikod sa hukbong kastila; subalit nakalakad lamang siya ng dalawang hakbang sa labas ng kublihan, ay nagpasimula nang magpaputok ang mgra kawal-kastila sa lahat ng dako na sumawi sa makapal na naghihimagsik na nang sandaling yao'y nagkakatipon sa Sambal, kasama na rito ang mga kuwadrilyerong dati sa bayan ng Bay, sampu nang lahat nilang eskopeta. Kailangan ding sambitin dito ang sigaw na punung-puno ng pagkasindak ng Sarhento ng mga kuwadrilyerong si G. Nicolas Gilel, na:- "Iligtas mo po ako, Poong San Jose, sampung pisong buwis", habang siya'y tumatakbong kasama ng kanyang Kapitan at siya'y hinahabol ng paputok ng mga Kasadores mula sa pook ng Sambal hanggan sa sila'y mapapasok sa isang malawak na tubigang palayan. Kasama ng mga nasawi sa labanang ito ang pangalawa ni G. Taeño na si G. Francisco Abad at Roldan.
d. — Dahilan sa pagkagahis na ito, ang mga tao ni G. Taeño ay nagkasabug-sabog at ang isa't isa'y ummuwi sa kanyang sariling bayan, upang magtago sa mga gubat na inaakalang lalong malapit sa kanyang pook, at si G. Taeño ay napahantong naman sa nayong Takyin o Bainan, sakop ng Liliw; dito'y tumagal siya hangga noong mga unang buwan ng taong 1897, na ipinagipon niyang muli sa kanyang mga tao, lumipat sa nayong Magallong o Lupok, sakop ng bayang San Antonio, at dito'y nakipaglaban siyang mabuti sa mga kastila, bagamat dumating din ang isang masamang pagkakataong mapasabog uli ng kaaway ang kanyang hukbo na kahit sa gitna man ng magulong pagtakas, ay di kinahahalataan ng karuwagan. Sa mga namatay sa huling labanang ito ay kabilang ang Tenyente abanderadong si G. Cayetano Abad at Roldan. Gayon man, kahit na ang ikalawang pagkatalong ito'y lubhang kakila-kilabot na gaya rin ng una, si G. Taeño ay di rin kinakitaan ng panglalamig, sa gitna ng maalab niyang pagsinta sa tinubuang Lupa. Sa piling ng ilang-ilang kalalawigan niya at saka ilang sandatang eskopeta, ay humimpil sa nayon ng Balubad (Pagsanghan) at mula rito noong Nobyembre, 1897, ay nagtungo sa Biyak-na-Bato sa nasang mapasailalim ng pamahalaan ng Republika Pilipina; siya'y tinanggap ng pangulo nitong si G, Emilio Aguinaldo, ginawaran ng tungkuling Pagka-Heneral ng Brigada at sa kanya pinahawakan ang pamamahala sa kanyang lalawigan at ginawang pang-ulo sa lahat ng kawal na tumatanod sa Laguna de Bay.
e. — Maraming paglalabanang nangyari sa loob ng lalawigang ito, at isa sa mga makabuluhang di ko pa nalilimot ay ang kinapasubuan ng kabisa-de baranggay na si G. Luis Banaag, noong magtatapus ang Setyembre ng 1897 sa nayon ng Makopa, San Pablo. Ang nasabing kabisa ay napalaban sa isang malaking pangkat ng mga kasadores na pinangunguluhan ng isang Sarhentong lumugso sa kapurihan ng asawa ng naturang Banaag, at sa kabutihang-palad, ay ito ang napaibabaw sa paglalabanan at nakaganti sa karumal-dumal na pagkadustang tiniis; kayat sa laki ng kapootan, nang mapipilan ang buong pulutong at mapatay ang Sarhento, ay pinugutan
ito ng ulo sa kanyang kampilan, tinuhog pagkatapus at ibinandila habang daan, samantalang ang hukbo niyang nagwagi, ay lumalakad ng pag-uwi sa pook ng Putho, isa sa mga bisig ng bundok Makiling, na siyang kinahihimpilan nila, pati ng tropa ng Hen. G. Malvar.
Isa rin sa mga pangyayaring mahalaga sa Laguna de Bay at marahil siya pang lalong makatatawag ng pansin ng bumabasa, ay ang nangyaring paglusob sa mga kawal-kastila sa San Pablo, pagsalakay na pinanguluhan ni G. Mariano Trias Closas, gaya ng naiyulat na sa unahan nito, noong ika-9 ng Oktubre, 1897.
Gayon din maibibilang na isa pang pangyayaring mahalaga ang pag-aalsa at pagkaligalig ng mga taga Los Baños, na nangyari noong buwan ng Oktubre, 1896, na ikinamatay ng di kakaunting taung-bayan, babai't lalaki, matanda't bata, hindi sa pagbabaka kungdi sa biglang-biglang pagkakapatakbo, upang makalayo sa sakuna, pagkabatid na ang mga kawal kastilang buhat sa bayan ng Bay, ay dumarating upang lusubin ang mga naghihimagsik, na, bagamat walang sandata kungdi dadalawang eskopeta lamang na pang-ibon, ilang eskopetang tinatawag na "de salon" at saka isang tubong bakal na siyang pinaka-kanyon, ay nagsipagtibay sa Los Baños at naiyanib nilang lahat sa layon ng Himagsikan ang maga tagaroon sa naturang nayon.
42. — Ang mga Kolorum. —At ang kanilang pagsalakay sa kabesera ng Tayabas. Sa salitang itong galing sa katagang lating "Seaculorum", ay napagkikilala sa Kapuluang Pilipinas ang isang malaking pangkat o kapisanan ng mga tao, babai't lalaki, na dahilan sa malabis nilang pagpupumilit na ang kanilang mga kalulwang walang kamatayan, pagkatapus ng buhay na ito'y hindi lamang makaliligtas sa apoy na walang katapusan, kungdi magiging higit, sa tanang nilikha, sa kabanalan at ningning sa harap ng Maykapal, ay nagsisipaniwala pa rin, bukod sa pananampalataya ng kristianismo, na ang lupang pangako sampu ng lahat ng mga kanugnog, — paris halimbawa ng balon ni Abraham, — ay nalipat sa lupang sakop ng bayang Dolores, lalawigan ng Tayabas. Naroroon din, diumano, ang pook ng Hudea, na tinatawag na Belen, na pinagkulungan nina Haring Herodes at Emperador Cesar Augusto ng iba't ibang nasisiraan ng isip, at gayon din ang bundok ng Kalbaryo na pinagtayuan ng kurus na kinaripahan ni Hesukristo. Sa ganitong katagang "Kolorum", ay tinatawag din ng tawag na pang-aglahi ang sinomang pilipinong kaanib at hindi man kaanib sa nasabing kapisanan, kailan ma't nakikitang madalas na nagkukurus at nagdarasal, nanghuhula o kaya'y nang-uudyok sa balana ng banal na pagpapakasakit bagamat ito'y hindi siyang pinaguusapan sa lipunan.
Hindi lamang lilibong taong nanggagaling sa iba't ibang lalawigan ng Kapuluan kung panahong nagaaraw o kaya'y kung kasalukuyan ng kurisma, ang buong pagibig at kataimtimang loob, na nagkakatipon sa mga gulod ng bundok ng San Kristobal, at ang mga yungib nito, ay dinadalaw nang buong paggalang na kagaya ng mga bagay na dakila, pagkat sa mga paligid-ligid at sa loob, ay paniwalang-paniwalang sila'y nakakikita ng maraming bagay, mga bagay na himala lamang at isang kapangyarihang di pangkaraniwan ang makalilikha: sa isa sa mga yungib na naroroon, ay nagsisisampalataya ring naririnig ang tinig ng Padre Eterno na sa tagalog ay tinatawag nilang "Ang Santong Boses". Lahat ng dalaw doon, habang nqgtatagal ang una, ikalawa at ikatlong pagsisiyam, alinsunod sa panata ng bawat isa, ay nagsisipaligo sa tubig ng balon ni Abraham o ni Hakob, ayon naman sa mga iba, na sa ganang kanila, ang tubig ay nakakawangki ng gatas na puti pati sa lasa at linamnam, at samantalang naroroon sila, ay kusang-loob na nagsisipagtiis na di tumikim ng maraming pangangailangan sa buhay, nagsisitulog sa hamugan, nagsisihiga sa lupa at sa piling ng mga batong malalaki, bahagyang nagsisikain ng tigkakaunti, anopat nagdaraos ng lahat ng pagpapakasakit, bilang pagsisisi sa kanilang pagkakasalang nagawa sa buong sang-taon; maya't- maya'y nagsisipagdasal ng malakas, inaawit ang mga tugmang tagalog ng banal na kasulatan, lalung-lalo na ang Pasyon ng Mananakop, Panginoong Hesukristo. Ilan sa mga pagbabatang ginagawa nila, samantalang nangaroroon, ay mababanggit ang pagdarasal ng mga "Ama namin" na kasingdami ng mga butil ng kaning nahuhulog sa lupa sa bawat pagkain, saka ang lalo pang napakahirap sa lahat na, ay ang pag-akyat sa matayog at tugatog ng bundok na tinatawag nilang Kalbaryo, na kinatatayuan ng isang malaking kurus; sa paanan nito, matapus ilapag ang batong pinapasan ng bawat isa sa pagsalunga, nang sang-ayon sa kanyang taglay na lakas ng katawan, pasang di ibinababa sa balikat mula sa pagakyat hanggang sa makarating sa tuktok ng bundok na lubhang mabato, ay nagsisiluhod sa bakil-bakil na lapag na puno ng mga batong maliliit, na kahit ipinagdurugo ng kanilang mga tuhod, ay di nila iniaalis, yamang itinuturing na pagpapasakit sa sarili, na dapat maging katumbas ng pagkakasala ng bawat isa.
Kinikilala nilang pastor o punong makapangyariban ang isang nagngangalang Sebastian Carres, at sa piling nito na bilang pinaka-alagad niya, ay naroon ang isang nagngangalang Huan Magdalo at isa pang nagngangalang Eligio, na kilala sa palayaw na "Ilihiyong-dius-diyusan", at pinaka mataas na pastora naman ang isang matandang babae na anila'y nakagagawa ng maraming mga himala at hula-hula at binibigyan ng iba't ibang pangalan: ang iba'y tumatawag sa kanyang "Mahal na Ina" at ang iba nama'y "Ina ng Awa" ó "mahabaging ina".
Ang kapakinabangan ng mga pastor at pastora ng kapisanan o kalipunang ito ng mga paniwalain, ay nauuwi sa ganito:- l.a, ang halagang piso na hinihingi sa sinomang bagong umaanib; 2.a, ang di mabilang-hilang na kandilang binibili ng mga kaanib sa nayon ng Uriya, San Pablo, Laguna de Bay, na sinisindihan sa ibabaw ng mga bato sa pook na pinaghahayinan, at doo'y binabayaan nang maupod; 3.o, ang maraming labi ng bigas at ng iba pang kinakaing ani sa Kapuluan o sa ibang lupa na dinadalang baon ng bawat kolorum sa pagparoon, na pagdating nito, ay tungkulin niyang ibigay sa pastor na nag-iingat ng mga pagkain at tagapagluto ng iisang uring pagkaing nauukol sa kalahatan; 4.t, ang ambag o limos na taunang, sa atas ng mga pastor o kaya'y sa kusangloob ng sinomang kolorum, ay ibinibigay ng ilang kaanib na mariwasa.
Kailan ma't ang isang pastor o pastora ay magsasalita sa isang kapanampalataya o sa mga kabig niya, ay di kinaliligtaan sa kanyang maningning, nakaaakit at dakilang talumpati, ang mga ganitong pangungusap:
"Matang maamo";
"Taingang lampasan";
"Pusong kordero".
At kung ang dalawang kolorum ay magkikita sa isang pook na walang maraming naiiba sa kanilang magkakaanib, ay magkakamay; at ang dalawang kamay nilang magkadaop, ay hihigitin hanggang sa noo ng isa, at pagkatapus ay gayon din ang gagawin ng pangalawa, sa paraang ang likod ng kamay ng mga nagkakapanagpu, ay dumaiti sa noo nito, at sa panunod nama'y doon.
Sa pagkaigaya mandin ng mga kolorum sa halos maytuturing pawang himalang pagkakapalad ng mga Katipunan, na sa isang kisap-mata halos, ay naakit ang pagkagiliw ng taung bayan, at madaling nangakahawak ng maraming sandatang naagaw sa mga kawal-kastila, ang mga pastor ng kanilang kapisanan, ay nagpakalat ng balita sa isa't-isa sa kanilang mga kaanib na ang "Santong Boses" ay nag-atas diumanong, sila'y magkatipon, magpulong at magkakasamang sumalakay sa kabesera ng lalawigang Tayabas, upang bihagin ang lahat ng mga kasadores at guwardiya sibil na nagbabantay doon, at saka samsamin ang kanilang mga sandata. Nang nagkakatipon na, at, matapus ang pangaral ni Huan Magdalo, na upang mapasigla marahil ang kaloboan ng mga kaanib, ay sinabi ang diumano'y tagubilin ng "Santong Boses" na: — "Sa paglapit ng kanilang pangkat sa himpilan ng mga kastila at guwardiya sibil, bawat isang kolorum ay maghahagis sa dakong himpilan ng lubid, na karaniwang taglayin sa kanyang baywang", — ay nagsilakad ang lahat na ayus isang prusisyon ng simbahan, na ang nangunguna'y isang karong kinatatayuan ng isang santo na pasan ng apat katao sa balikat, santong di iba't si Huan Magdalo, na sadyang lumagay doon, suot San Huan Bautista, at sa magkabilang hanay at sa likod ng karo, ay ang di mabilang na kolorum, babai't lalaki, mga babaing bihis na bihis at mga lalaking suot puting pulos na mahahaba, katulad ng mga apostol ni Kristo. Bahagya pang nakakapasok ng kabayanan ang mga kolorum, na patungong simbahan na kalapit sa himpilan ng mga kawal-kastila, nang walang ano-ano, ang kaaway, sa pag-aakala marahil na ang dumarating ay kakaiba sa talagang prusisyong patungkol sa Amang-Diyos sa kalangitan, ay nagpasimulang nagpaputok ng tampak na tampak sa lumalakad na pulutong; kayat biglang-biglang nangahandusay na walang buhay ang isang lanigkay na tagapag-ilaw; at si Huan Magdalo namang nag-San-Juan-Bautista, pagkakitang gumiwang-giwang magkabi-kabilang gawi, ang kanyang karo pagkat ang mga nagpapasan sa kanya ay nagsisiyuko sa takot o kaya'y sa tangkang pumisan na sa ibang pulutong ng kanilang mga kasama, ay napilitan nang tumalon mula sa kanyang andas at kumaraykay ng takbong sinusundan ng kanyang mga kabig, at iniwan ang lansangan na puno ng patay at sugatan. Dahil sa pagkadala sa kabiguang ito ng mga kolorum, na sa palagay ko'y sadyang kaparusahang bigay ni San Juan Bautista, dahil sa pagsusuot ni Huan Magdalo ng damit nitong santo, na isang sadyang kapangahasan at paglapastangan dito; o kaya'y ang Amang-Diyos na rin ang nagbigay sa kanila ng gayong mabuting aral, dahil sa lubhang pagkapaniwalain o kapalaluan, katulad noong mga nagpumilit sa tangkang pagkatnigin ang lupa at ang langit, sa pamamag-itan ng isang torre, na tinawag, pagkatapus, na "Torre de Babel", — ang mnga kolorum, ay hindi na gumawa uli ng anomang pakikialam at pakikitulong sa Panghihimagsik, maliban na sa ilan-ilang abuloy na pagkain at iba pang maliliit na pangangailangan ng mga kawal ng Himagsikan ng Katipunan ng mga A. N. B.43. — Paglusob sa mga tanod na kastila sa bayang San Mateo, Maynila, ni G. Andres Bonifacio. — Magugunita pa ng bumabasa, na sa pag-uulat ng ilang bahagi ng pagkakalusob sa San Juan del Monte, Maynila, ay di namin nabanggit ang ilang mga pangyayaring tunay na nasaksihan sa mga kalapit na pook ng Maynila, nang nakaraan ang ika-29 ng Agosto, 1896, hanggang sa malipat si G. Andres Bonifacio sa lalawigan ng Kabite noong Disyembre ng taon ding yaon, 1896. Kasama ang mga ilang kasunod nito ng mga naturang pangyayaring di pa namin naiyuulat:
a —Nang magsibalik ang mga Katipunan, pagkatapus ng pagsalakay sa San Juan del Monte, ay nagsilantong sa isa sa mga burol o gulod ng kabundukang gumigitna sa Marikina, San Mateo at Montalban, at dahil sa pagdami ng kanilang bilang sa walang tigil na pakikipisan sa kanila araw-araw ng taong galing sa iba't ibang dako, gawa ng mahihigpit na pag-usig ng mga kastila; at nang manauli nang muli ang kaloobang tumanggap ng masaklap na pagkabigo sa San Juan del Monte ng mga naghihimagsik, ay pinagkaisahang lusubin ang mga kastila sa San Mateo ng hukbo ng Supremo ng Katipunan, sa tulong nina GG. Emilio Jacinto, G. Apolonio Samson, G. Macario Sakay, G. Faustino Guillermo at ng Heneral Lucino na kilala sa Katipunan sa pamagat na "Payat" at saka pa rin sa pakikiisa ng mga Heneral Francisco de los Santos at Hermogenes Bautista na tinatawag na Heneral Menes. Ang mga nilusob, matapus ang ilang bahagyang paglaban, ay nagsialis, iniwan ang bayan at nagtungo sa Marikina, kayat nahulog sa mga naghihimagsik ang buong San Mateo, pati na ang kabayanan ng Montalban.
b —Ang paglalabanan sa ilog ng San Mateo at Marikina. —Nang ikatatlong araw ng pagkakuha sa San Mateo, ay lumusob doon ang mga kawal-kastilang galing sa Marikina, na marami sa karaniwan; at bagamat gayon na lamang ang pagtatanggol na ginawa ng mga nanghihimagsik sa lahat ng tanggulan nilang pangsamantalang itinayo sa iba't ibang dako, lalung-lalo na sa kahabaan ng ilog ng Langka, na kinalalagyan ng tatlo pang susong mga lantakang kawayan na binigkisang mahigpit ng lubid, yari ng mga mangagawa ng paputok (kastilyeros) sa kabayanang nasabi, ay napaalis din ng kaaway ang mga naghihimagsik, kaaway na kahit daan-daan halos kung mangabuwal sa tama ng mga lantakang nasabi na, ay di rin nasansala ng pagsulong hanggan sa makuha ang mga tanggulang naghihimagsik, at ang mga ito'y hinabol hanggan sa mga kabundukan, nang di binigyan-luwag man lamang si Heneral Santos, ni si Heneral Menes, na makapagpasabi kay G. Andres Bonifaciong noo'y nasa San Mateo, kung kayat ito man nama'y nasubukan ng mga kastila na, sa pagpasok nila, ay di kakaunting paputok ang ipinagbukas ng kanilang daraanan.
Pagkatapus ng pagkagahis na ito, at nang si G. Andres Bonifacio, ay mapahimpil muli sa kagubatan ng Balara, kasama ang buo niyang hukbo, ay binaka siyang muli at ang paglalabana'y nangyari sa loob ng isang tubuhan, at di lamang napasabog ang kanyang mga tao, kungdi siya'y (ang Supremo) kamuntik na ring mapatay doon, pagkat ang kuwelyo ng kanyang barong suot, ay pinaglagusan ng isang punlo.
44. — Mga bagay-bagay at pangyayari sa lalawigan. ng Patangan.
a —Ang Pamahalaang Pampook ng Batangan (Gobierno Regional de Batangas), ay di nalansag sa bisa ng Saligang-batas (constitusyon) na akda nina Artacho at Ferrer na gaya ng nangyari sa Pamahalaang Departamental ng pitong lalawigan ng Luson, sa dahilang ang nasabing Pamahalaang Pampook, ay walang nasasakop kungdi isang tanging lalawigan lamang. Ang Heneral nitong si G. Miguel Malvar, na nananatili pa rin noon sa mga paligid ng bundok Makiling, pagkatapus makauwi si G. Mariano Trias Closas sa kanyang dating himpilan sa Mainam (Alfonso, Kabite), dahil sa dinaranas nang kagipitan ng sarili at ng kanyang mga tao, ay napilitang ipasalakay niya, sa pamamag-itan ni Heneral Silvestre Domingo, ni Kapitan Jumanan at iba pa, ang kanyang (ni Hen. Malvar) kumparing nagngangalang Kapitan Kulas sa Tanawan at ang isa pang tinatawag na Kapitang Teryo, sa Tanawan din, kapwa mayayaman sa naturang bayan. Binihag ang dalawa, at upang sila'y matubos ay nagtakda si Malvar ng mga halagang umaabot sa daan-daang libong piso, na nang matanggap niya ang pinakamalaking bahagi, ay pinalaya sina Kapitang Kulas at ang anak ni Kapitang Teryo, pagkat nang salakayin ang bahay nitong hull, ay wala ang tinurang Ginoo.
b —Ilang araw pagkatapus, sa pamamag-itan naman ng isang lalang na ginawa ng asawa ng Koronel Aniceto Oruga, ay nakuhang natutop at nasalakay ng mga kabig din ni Malvar, sa pangungulo ni Koronel Juliano, ang lantsang kanyonera sa Laguna de Talisay, nasamsam ang lahat ng mga kanyong at pusil na taglay at napagpapatay sa taga ang mga kastilang akibat, matangi ang dalawa na ipinadalang bihag sa Mainam, na kinaroroonan na noon ng Pangalawang Pang-ulo ng Republika na si G. Mariano Trias Closas. Si Malvar, matapus maibigay ang kanyang mga sariling sandata sa pamahalaang kastila, ay naglakbay sa Hongkong noong Marso, 1898, kasama ang kanyang asawa't mga anak, at saka ilan pang naging pinuno sa kanyang sumabog na hukbo.
45. —Marahil maalaala pa ng bumabasa (Talang may blg. 40) na ang lupong nina Aguinaldo, ay aming inihatid sa daungan ng Dagupan ó Suwal, (Panggasinan), upang sila'y makatulak na patungong Hongkong. Pagbalikan nga natin ang nalagot na pisi ng mga pangyayaring lalong sukat alalahanin ng madlang kalipi.
a — Pagbibigay ng mga armas sa Biyak-na-Bato. Pagkatanggap sa Kapital (Pang-ulong-Bayan) ng Republika noong ika-28 6 ika-29 ng Disyembre, 1897, ng telegramang pinagkausapan mula kay G. Emilio Aguinaldo na nagbabalita ng kanyang mapalad na pagdaong sa Hongkong, at pagpapatalastas din naman sa mga pinunong nanghihimagsik na nasa kamay na niya (ni Pang-ulong-Aguinaldo) ang halagang apat na raang libong piso (P 400,00), — sina GG. Baldomero Aguinaldo, G. Isabelo Artacho, G. Severino d. las Alas, G. Pascual Alvarez, G. Pio del Pilar, G. Pantaleon Garcia, G. Isidoro Torres, G. Salvador Natividad, G. Melencio Carlos, si Vibora at iba pa, ay nagkaisang magpasya na alisin na sa kalagayang "pinaka-sangla" ang dalawang Heneral na kastilang Tejeiro at Monet, at nang kinabukasan ika-8 ng umaga, ay ginanap ang pagbibigay ng mga sandata ng Biyak-na-bato. Pagkatapus maipahanay ayus na ayus ang hukbo ng Republika Pilipina sa harap ng mga kawal na kastila, at bago ipag-utos ang pagbababa ng watawat o bandilang pilipino sa Bahay-Pamahalaan, at ang paglalapag sa lupa ng mga kawal-pilipino, ng kanilang mga hawak na armas na paharap, (presenten armas!) si "Vibora" ay bumigkas muna ng isang matining na pangaral kasabay ng pagakit sa mga nakikinig na magkatiwala sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas at magsiuwi sa kani-kanyang bahay ang lahat nang walang anomang takot ni agam-agam, sanhi itong ikinabanggit niya tuloy, bilang halimbawang dapat panalaminan, sa batang mataas ang loob o "Hijo prodigo" na isa sa mga isinasaysay ni Kristo. Si G. Isabelo Artacho man naman, Direktor ng Interyor, ay nagparinig ng isang mahabang talumpati tungkol sa malabis na kagaanan ng mga batas na kastila sa Kapuluan, na anya'y tanging sa taong yaong 1897 ay makapagbibigay ng ganap na kaligahan at kaluwagan sa Pilipinas. Noon din, pagkatapus, ay ipinagutos na ni 'Vibora" ang pagbababa ng bandilang tigmak sa dugo ng mga nabuwal sa dilim ng gabi, at saka ang tinig na "Ilapag ang mga armas at sampung hakbang sa dakong likod". Matapus maiwagayway ang makapangyarihang bandilang maka-hari na pinag-ukulan ng paggalang ng mga kawal-kastila na nagtaas na paharap (presenten armas) ng kanilang mga baril at gayon din ng lahat ng pilipinong kaharap doon, na sinabayan ng "marcha real española", ay nalansag na ang di malilimot na paradang yaon na (dinilig ng luha ng mga alagad ng Panghihimagsik, na nagsipagbitiw doon ng sandata, at noon din ay pinasimulan naman ang panmimigay ng mga "pase", upang ang bawat isa'y makauwi nang walang sagabal sa kanyang sariling pook at bahay. Sa lahat ng nagsipaghimagsik ay ibinigay, nang walang anomang sagabal ni pagkabalam, ang mga naturang "pase", matangi kay G. Pio del Pilar, na dahilan sa kanyang mga hayop na mga kabayo at kalabaw, ay natagalan din bago nakapagtamo ng kasulatang pahintulot sapagkat pinamag-itanan ni Vibora.
b —Sa ikadadali ng paghaharap ng mga armas ss Pamahalaang Kastila, si "Vibora", na siyang tanging napaghabilinan tungkol sa bagay na ito (Blg. 39 titik (a) ng talang ito), ay nagkaloob ng pahintulot na may kasulatan kina G. Pantaleon Garcia at G. Isabelo Artacho, sa Maynila at Bulakan; G. Paciano Rizal at G. Salvador Natividad, sa Laguna de Bay; G. Miguel Malvar, sa Batangan, at G. Pascual Alvarez kasama ni "Vibora" sa Kabite, upang sila ang mamanihala sa paghaharap ng sandatang nauukol sa mga nasabi nang pook. Nang ika-8 p.m. (gabi) noong ika-29 ng Disyembre, sina GG Artacho at Natividad, na handa nang magsialis sa Biyak-na-Bato, ay nagsipagharap ng kasulatan kay "Vibora" na humihingi sa Gobernador Heneral ng isang bahagi ng dalawang daang libong pisong naging kabayaran ng mga sandata sa ikalawang pagbibigay, ayon sa pinagkasunduan, upang-maipamudmod sa mga kawal nang alinsunod sa bilang ng tao at sandatang ihaharap. Ang kasulatang yao'y nilagdaan ng dalawang humihingi at pinakilagdaan din kay "Vibora". Nang mapaharap kay Heneral Primo de Rivera ang kahilingang yaon, ay tinawag nito sa pulong ang ilang mga punong nanghihimagsik at isa sa mga nagsiharap, ay si G. Baldomero Aguinaldo; napagpasyahan sa pulong ang hinihingi sa kasulatan o kaya'y ang pagtatakda ng labing limang pisong kabayaran sa bawat isang baril na ihaharap. Si Artacho, matapus libutin ang mga destakamento sa Maynila at Bulakan, at mapasakay ang mga kastilang tumanan sa kanilang hukbo at umanib sa mga naghihimagsik, ay naglakbay ring patungong Hongkong, at doon ay nagkaroon siya kay G. Emilio Aguinaldo ng mabigat na samaang loob, dahil sa halagang apat na raang libong piso (P. 400,000), pagkat si Artacho sa kanyang pagkapalagay na Direktor ng Komersiyo, alinsunod sa napagpasyahan sa Kapulungan sa Biyak-na-Bato (Talang 39, titik (a) ng talang ito) ay nagnasang maghawak ng nasabing halaga; ngunit si G. Aguinaldo ay sumalansang at dinaan sa pagwawalang-kibo ang kahilingan ni Artacho, at nang ito'y nagpipilit, ay sinabi sa kanya nang tapatan na ang kanyang pagkakalagay na Direktor ng Komersiyo, ay pakunwari lamang, upang mailigaw ang hina-hinagap ng Pamahalaang Kastila na ang nasabing halaga'y ibibili ng mga sandata. Dahilan sa di pagkakaugmang ito ng mga paniwala o palagay, ay nagkahati ang mga naghihimagsik sa Hongkong; — isang panig ang sumapiling ni G. Aguinaldo, na siyang lalong malakas at malaki, at ang isa ay kay Artacho na siyang sinamahan ng mga kastilang umanib sa panghihimagsik. Ang dalawang pangkat na ito'y nagkaalit sana ng malubha, pagkat walang inibhan sa mga halimaw na pinanggigigilan ng ngipin tuwing magkakaharap, kungdi napataóng sumiklab ang digmaang Kastila't Amerikano, na siyang ikinasawata ng pagtatanimang-loob ng mga pilipino sa Hongkong. Ang "SAMAANG LOOB" ni Aguinaldo at Artacho, dahil sa halagang APAT NA RAANG LIBONG PISO (P. 400,000), sa pamamag-itan ni G. Teodoro Sandiko ay napawi sa kalooban ni G. Isabelo Artacho; datapuwat sa kay G. Emilio Aguinaldo ay hindi; kayat ng umahon ang magkapatid na Artacho (Isabelo at Primitivo) kaakbay sila ni G. Sandiko sa daungan ng Kabite galing sila sa Hongkong ng Hunyo, 1898, — ay pinadakip sila (ang magkapatid) agad ni Aguinaldo sa pamamag-itan ni G. Tomas Mascardo na nagsalita ng gayon: "Ang hindi nautas sa Hongkong, ay dito tatapusin", at sila na nga'y piniit na, at nagtiis ng hirap sa bilangguan ng mahigit ng isang taong walang anomang paglilitis sa kanilang kasalanan, hanggang sila'y pinalaya ko ng Hulyo nang taong 1899.
46.— Ilang mga pangyayari nang nagsisimula ang taong 1898.
a —Pagkatapus maibigay ni Koronel Lucas Camerino ang kanyang mga armas sa Heneral na kastilang si Tejeiro, gayon din nina Baldomero Aguinaldo at iba pang mga tanyag na pinuno, ay nagsipagharap na rin, kinabukasan, ika-9 ng Enero, 1898, sa San Francisco de Malabon, buhat sa himpilang Mainam, (Alfonso) sina Mariano Trias Closas, Esteban San Juan at Ladislaw Diwa, na sinamahan nina Pascual Alvarez at "Vibora". Si Heneral Tejeiro ay nagalit at sumama ang loob, nang gayon na lamang dahil sa kakauntian ng mga sandatang iniharap, na karamihan pa'y mga sira; kaya si Tejeiro ay tumangging magbigay ng salapi sa mga tao ni Mariano Trias Closas, kahit na ito'y nagbigay pa rin ng dalawang bihag na kastila, na galing sa lantsang kanyonerang natutop sa Laguna de Talisay, Batangan, ni Koronel Juliano.
b. — Ilang linggo, pagkatapus ng maringal na pakikiisang-dibdib ni G. Mariano Trias Closas sa kanyang nasabing kasintahang Bb. (Binibining) Maria Ferrer at Olimpo, na dinaluhan hindi lamang ng tanang mga tanyag na taga-lalawigan at mga banda ng musika, kungdi pa naman ng taga-iba't ibang pook ng Kapuluan, lalung-lalo na ng mga taga-Maynila, ay nagtungong Maynila ang naging Pangalawang Pang-ulo ng nasirang Republika Pilipina, kasama ni "Vibora" at iba pang mga pinunong naghihimagsik at sila'y nagharap ng kanilang paggalang sa Gobernador Gral. Primo de Rivera; pagkatapus na sila'y matanggap nito nang buong giliw at ningning, ay nagkaloob siya (Primo de Rivera), bilang "regalo", ayon din sa kanyang salita, ng halagang labingdalawang libong piso (P 12,000) na kalahiti'y napaukol kay Trias Closas at ang kalahati'y kay "Vibora". Sa pagkakataong ito'y hiningi nina Trias at "Vibora" sa Gobernador Heneral, na mangyaring pamag-itanan nito sa Arsobispo Nozaleda ng Maynila ang pagpapalaya sa dalawang kurang pilipino na sina G. Manuel Trias at G. Esteban del Rosario, na dahil sa Panghihimagsik ay kapwa nangapipigil pa sa Seminaryo ng San Carlos. Si Heneral Primo de Rivera ay nagbigay sa dalawa ng isang sulat para sa Arsobispo, na nang mga unang sandali nama'y tumatanggi sa kahilingan, at ang idinadahila'y hindi pa natatapus ang paglilitis sa sakdal na nalalaban sa mga naturang pare; ngunit sa kasusumamo sa kanya, ni Vibora, ay ipinagka-loob din sa huli ang pagpapalaya sa dalawa, hindi lamang sa loob ng tatlong araw na siyang hinihingi ni Trias, kungdi sa loob ng tatlumpung araw, at bukod sa rito'y binigyan pa sila ng kapahintulutang makapagmisa at makapagkaloob ng "santo sacramento" sa sinomang nagkakailangan.
c —Nang mga huling araw ng Marso ng 1897 ay inawit ang Te-Deum alang-alang sa kapayapaan ng Pilipinas, hindi sa gitna ng maningning na pagdiriwang, na gaya ng karaniwang ginagawa ng nakasasakop na kastila sa mga ibang panahon at pagkakaton; ang ikinatangi lamang sa pangkaraniwan, ay ang pagtutulot ng mga palarong bawal na maibigan ng madla; kaya pati sa mga lansangngang hayag at mga panulukan, ay nagkalat, kungdi ang sabong, ay ang larong monte, pangginge, pakito, ripa at huweteng.
d. — Pagkaraan ng ganitong pagdiriwang, si "Vibora" ay madalas na lumuluwas ng Maynila at nakikipanayam kina G. Pedro A. Paterno at mga Heneral na kastila, tungkol sa pagtupad ng kasunduan sa Biyak-na-Bato ng pamahalaan, pagkat samantalang ang mga pilipino, ay nangakatupad na ng lahat ng kailangang kanilang ipinangako, ang mga kastila nama'y lubusan nang nagwawalang-bahala sa kanilang (ang mga nanghihimagsik) makatwirang kahilingan. Nang magkakalahati ang buwan ng Abril ng 1898, sina G. Mariano Trias, G. Baldomero Aguinaldo, G. Mariano Alvarez Mainam, G. Ariston Villanueva, G. Daniel Tirona, G. Pascual Alvarez at "Vibora", ay ipinatawag ng Gobernador Politiko Militar sa Kabite, na si Heneral Don Leopoldo Garcia Peña, na siyang nagpahayag sa kanila na nasira na ang pagkakasundo ng Espanya at ng Estados Unidos ng Amerika, at sa gayo'y hiningi sa mga naturang pinunong kanyang ipinatawag, na sila'y makianib sa Espanya laban sa, anang Gobernador Peña'y kaaway ng nagkabilang panig, kastila't pilipino. Sa mungkahing ito'y nagsipagbigay ng mararangal na pangako ang mga ipinatawag, na itutulong hindi lamang ang kanilang lakas kungdi pati ng kanilang mga asyenda sampu ng kanilang mga buhay sa Pamahalaang nakasasakop sa Kapuluan, maliban ang isa sa kanila (si Vibora) na di nangako, at ang idinadahila'y ang di pagtupad ng Pamahalaang Kastila, at tikis na di pagganap, sa kanyang ipinangako ukol sa kasunduan sa Biyak-na-Bato. Sa malabis na pagkagalak marahil ng Heneral Peña sa pakikianib sa kanya ng anim, ay lubusang hinamak ang pagtanggi ng isa, at sa pag-alis nila'y nagsabi ng ganito: "Iniibig ko pa ang isang kaaway na hayagan, kaysa isang kaibigang nagpapanggap lamang".
Ang mga bagay-bagay at pangyayaring di lubhang maliwanag ang pagkakatala rito o magusot ang pagkakasalaysay, ay siyang lalong may matingkad na uri, kaysa tunay na mga nangyari sa buong buhay ng Panghihimagsik ng Katipunan. Ang watawat nito na nakita naming sumilang at pinagmamalas pa rin nang mamatay, ay pinalitan ng bandilang may tatlong kulay, noong ang pangdigmang-dagat na kastila ay supilin ni Dewey sa loob ng Maynila nang 1 araw ng Mayo, 1898 at magbalik dito mula sa Hongkong si G. Aguinaldo, bandilang may tatlong kulay na napaukol sa ikalawang Panghihimagsik laban sa Pamahalaang Kastila, na dapat makilala sa tawag na "Insurreccion Dewey-Aguinaldina". Ngunit ang bandila mang yaong ipinalit, matapus mapawagayway nang buong pagmamalaki sa lahat ng sulok ng Kapuluan, ay pinagpahamakan ding yurakan at paggutay-gutayin ng lagi nang mapanagumpay na bandila ng Estados Unidos, na siyang kinasisilungan ngayon, nang buong pagkakatiwala, ng Kapuluang Pilipinas sa gitna ng tinatawag na Panahon ng Kaliwanagan.
Nang di malilimot at dakilang unang araw ng Mayo ng 1898, ay namatay na lubusan ang Panghihimagsik ng Katipunan sa Pilipinas, upang mabigyang buhay 6 simula naman ang "Insurreccion Dewey-Aguinaldina laban sa Pamahalaang Kastila sa kapultiang Pilijinas", na nais kong isunod na salaysayin ang mga nasaksihang kong pangyayari.— W A K A S —
Kapag ang isang bayan ay sinisisilan; kapag niyuyurakan ang kanyang dangal, puri at lahat ng kalayaan; kapag wala ng natitirang wastong paraan upang tutulan ang panggagaham ng nangakakasakop; kapag inalintana ang kanyang mga pagdaing, pagsamo't, pananambitan; kapag hindi man lamang pahintulutang tumangis; kapag pinahi sa puso ang huling pag-asa, ay... talaga... talagang-talaga... na wala ng dapat gawin kundi pigtasin, sa mga dambanang nakapangingilabot, ang SUNDANG NANG PANGHIHIMAGSIK.
Dr. Jose Rizal.
Imperyo ng Hapon, Yokohama,
Oktubre 20, 1927.